Twit, Plurk through SMS using Ping.fm and YMTwit, Plurk through SMS using Ping.fm and YM I love posting short updates on the Web using my Palm Centro. I caught this habit in 2001 when PinoyExchange.com (PEx) introduced its Wireless Journal feature.  For only  P2.50, I was able to send through...

More

My Palm CentroMy Palm Centro Last December, I wanted to buy a Canon or Sony digital camera in Singapore before going back home from a training for my new job. But when I saw an ad for a slightly used, white Palm Centro on eBay, my...

More

Mapalad.org updateMapalad.org update Mapalad.org, the official website of the Palm user group in the Philippines, is currently down. I asked Sharon Agoncillo -- one of Mapalad's leaders -- about it, and I found out that our group has just...

More

Palm Foleo II coming soon?Palm Foleo II coming soon? The World Wide Web does not run out of Palm rumors these days. Soon after posting about the Palm Eos, aka Mini Pre, I stumbled upon a report on the possible revival of the Palm Foleo. Announced in May...

More



-->

Ubuntu at Palm

Posted by Ederic in Palm Applications on 18-11-2007

3

J-Pilot

Gaya ng ikinuwento ko sa ederic@cyberspace, kakapalit ko lang ng operating system ko. Mula sa Windows XP ay lumipat ako sa Ubuntu, isang Linux-based operating system. Di tulad ng mga OS ng Microsoft, libre ito. Nalaman ko ring sa una lang ito mukhang mahirap gamitin.

Sa pagpapalit ko ng OS, ang compatibility nito sa Treo ko ang isa sa mga concerns ko. Ayon naman sa mga nabasa ko, ayos lang ang Palm at Ubuntu. Totoo naman. Eto nga ang isinulat ko sa kabilang blog:

Inalala ko rin yung pagda-download ko ng mobile news sites sa Treo gamit ang AvantGo account ko. Akala ko, mahihirapan ako. But no! Mabilis kong nai-configure ang Palm OS Devices settings, at nakapag-sync ako nang walang hassle. Na-update rin ang AvantGo ko nang di ko na kailangang mag-download at install ng karagdagang software. Ang hinahanap ko na lang ngayon, kung nasaan sa Desktop PC ko yung mga contacts na nai-sync ko, hehe. Mamaya o bukas, madi-diskubre ko rin iyon.

Nalaman ko na ang sagot sa tanong ko. Sa Evolution Mail client pala nasi-sync ang mga datos galing sa Palm ko. Nakita ko ito matapos kong i-set up ang Gmail account ko sa Evolution. Sa kabila nito, siyempre, hinahanap-hanap ko ang Palm Desktop, na sa Windows at Mac lang available.

Dahil dito, sinubukan ko ang KPilot. Hindi ko ito napagana. In the process, nagkaproblema pa pati ang AvantGo download ko. Dahil dito, naisip kong kadalasa’y dapat tayong ma-kontento sa kung anumang meron tayo, at huwag nang maghanap nang mas higit pa sa kaya natin. Applicableito sa buhay, pero lalo na sa mga gadget at computer. Kung hindi, either made-depress o magagastusan lang tayo.

Pero makulit pa rin talaga ako, lalo na kung may pagkakataon. Kahapon, naisip kong i-reinstall na naman ang OS dahil sa hang pa rin nang hang ang PC at na-corrupt ata ang files dahil sa forced na pagrere-start. Ang bago at malinis na installation ay muling nagbigay sa akin ng idea na subukan ang isa pang mala-Palm Desktop linux application : ang J-Pilot.

Noong una, bigo pa rin ako. Sinunod ko ang mga instruction dito, dito, at dito, at nag-experiment ako sa settings. Dinownload at in-install ko na rin yung plugins. Sa kakakalikot, finally ay gumana na ang J-Pilot, pati ang AvantGo.

Sabi ko nga sa Palm Forums, ito ang unang “successful and complete” hotsync ko sa Ubuntu.




Related Posts

Comments (3)

nakakatuwa naman at naka-ubuntu ka na. Pagbati. Sa paggamit ko ng palm tx, ang default na sync ng Gnome ang paraan ko para maka-bakup. Ginamit ko rin ang J-Pilot. Pero hindi ko ito nagustuhan. Sa sync ng gnome, napapagtugma ko ang contacts, tasks, memos, at calendar ng palm sa evolution. ang mga third party applications ay naitatago naman bilang back-up. nakakatuwang sa gutsy ito ay defaults na.

Hi Rick, salamat sa pagdaan. Maayos naman sana yung sync sa Evolution. Nami-miss ko lang talaga yung hitsura ng Palm Desktop, at itong J-Pilot ang pinakamalapit na kamukha niya.

Okay na kayang mag-upgrade sa Gutsy ngayon? :)

[...] list is the installation of JPilot so I could sync my palm with my Ubuntu-powered PC. Based on my past experience, that should be [...]

Write a comment

CommentLuv Enabled