Posted by Ederic | Posted in Palm Applications | Posted on 30-09-2007
2
Noong ma-download ko ang ZTE ringtone sa TXTPower website, hindi ko ito agad nagamit sa Treo ko dahil nasa MP3 format ito. Nung i-convert ko naman sa AMR format, di maganda ang sound quality. Masyado namang malaki kung WAV.
Buti na lang at sa kaka-google ay natagpuan ko ang MiniTones ni Nicolas Pabion. Libre lang ito. Kapag na-install mo ang MiniTones sa Treo mo, hahanapin nito ang MP3 files sa phone mo at puwede mong piliin ang gusto mong idagdag sa ringtones mo.
Posted by Ederic | Posted in Gadgets | Posted on 28-09-2007
6
May bagong smartphone ang Palm na kakalunsad lang sa US kahapon–ang Palm Centro. Sa halagang $99, ito ang pinakamagaan at pinakamaliit na mobile phone ng Palm.
Magagamit ito sa pagtawag, pagti-text, pagsu-surf ng Web, pag-a-IM, pagpapadala at pagtanggap ng email, at pati sa panonood ng video sa YouTube. Mayroon ito contacts (address book), calendar, full-color touch screen at QWERTY keyboard. May bluetooth din ito.
Astig, di ba? Pero may catch.
Posted by Ederic | Posted in Tips | Posted on 27-09-2007
0
Nadiskubre ko kamakailan ang tama at mas mabilis na paghahanap ng contacts sa Treo 650 ko.
Dati, nawiwirduhan ako kapag naghanap ng number ng mga tao sa Contacts application ng Treo. Halimbawa, hahanapin ko ang number ni Diana Zubiri–kunwari, meron ako–o ni Senator Migz Zubiri. Siyempre, ang una kong ita-type ay ang mga letrang Z-U. Inaasahan kong ang lalabas lamang ay mga apelyido at pangalang nagsisimula sa Zu.
Pero nagtataka ako dahil di ganito ang nangyayari. Sa halip, ang unang entry na lumalabas ay Zeng, Umil.